Kakaunti ang dumarating na mga pasahero patungong Timog katagalugan sa mga terminal ng bus sa Quezon City.
Ayon kay Larry Cañas, dispatcher ng Jam Liner sa EDSA Kamuning, sa isang bus nila kanina patungong Batangas City ay 5 lamang ang nakasakay.
Sa kabila nito, sinabi naman ni Analyn Quizon, dispatcher personnel sa Jam na tuloy ang biyahe nila patungong Batangas, Quezon at Laguna.
Sa panig naman ng Alps Bus na may biyaheng Iloilo, Capiz at Aklan na dumaraan sa Batangas Port, tigil pa rin sila sa biyahe magmula noong Sabado.
Ipinagpasalamat naman ng pasaherong si Linda Dipol na pauwing Capiz ang tulong na ibinibigay ng kumpanya lalo’t hindi sila makauwi sa Bulacan dulot ng dami ng bagahe.
May ilang pasahero naman na mas ginusto pang maghintay na lamang sa Araneta Bus Station kaysa umuwi ng kani-kanilang mga tahanan.
Malinis naman sa pasahero ang Araneta Bus Port at ang iilang pumipila para bumili ng tiket patungong Batangas at Quezon.