Mga pasahero, pinayuhan ng MIAA na tumawag muna sa kanilang airlines bago magtungo sa NAIA

Pinayuhan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga pasahero na may flight schedule ngayong araw na tumawag muna sa kanilang airlines bago magtungo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa advisory ng MIAA, mayroong 9 na commercial flights ang naka-schedule na umalis sa NAIA habang tatlong flight naman ang nakatakdang dumating sa NAIA 1 ngayong araw ng Biyernes

Kabilang dito ang:


  • Cathay Pacific
    Flight CX 906
    (Manila-Hong Kong)
  • Eva Air
    Flights BR 271 & 272
    (Taipei-Manila-Taipei)
  • Singapore Airlines
    Flights SQ 917
    (Manila-Singapore)
  • All Nippon Airways
    Flight NH 869 & 870
    (Tokyo, Japan-Manila-Tokyo, Japan)
  • Qatar Airways
    Flight QR 933
    (Manila-Doha, Qatar)
  • Lanmei Airlines
    Flight LQ 9771
    (Manila-Phnom Penh)
  • Royal Brunei Airlines
    flight BI 686
    (Manila-Bandar Seri Begawan, Brunei)
  • Korean Airlines
    Flight KE 624
    (Manila-Seoul)
  • Asiana Airlines
    flight OZ 703 & 704
    (Seoul-Manila-Seoul)

Ayon sa MIAA, hindi pa tiyak kung may mga pagbabago sa mga flight schedule ng ilang airline companies dahil sa Bagyong Ambo.

Facebook Comments