Mga pasahero sa EDSA bus carousel, hati ang opinyon sa pagpapatigil sa “no vaccine, no ride” policy na magsisimula bukas

Lahat ng nakausap natin sa EDSA bus carousel ay fully vaccinated pero magkakaiba ang opinyon sa usapin ng “no vaccine, no ride” policy.

Sa ngayon kasi ay nagkakahigpitan pa sa “no vaccine, no ride” policy pero bukas ay maaari nang makasakay ang mga hindi bakunado sa ilalim ng Alert Level 2 sa National Capital Region (NCR).

Ilan sa nakausap natin ay gustong itigil ang “no vaccine, no ride” policy dahil kawawa ang hindi bakunado na ngayon na nahihirapang makapasok sa trabaho.


May isa namang gusto ipagpatuloy ang “no vaccine, no ride” policy dahil kawawa ang mga hindi bakunado kapag sila ay tinamaan ng COVID-19.

Samantala kahit tapos na bukas ang “no vaccine, no ride” policy ay dadalhin pa rin nila ang mga vaccine card dahil kailangan ito para makapasok sa ilang establisyimento.

Facebook Comments