Mga pasahero sa ilang bus teminal ng bus, nagdadatingan na

Buhos na ngayong gabi ang dating ng mga pasahero sa ilang terminal ng bus na gustong humabol na makauwi para sa Undas 2022.

Ito’y kahit na may masamang lagay ng panahon dala ng Bagyong Paeng.

Kapansin-pansin na marami pa ring bumibili ng ticket sa Victory Liner na biyaheng Baguio City, Alaminos, Bolinao, Dagupan at Lingayen sa Pangasinan.


Gayundin sa mga may biyaheng Iba, Zambales, San Fernando at Olongapo city.

Nakahiwalay ang book ng mga nagpa-online booking at ang mga ngayon pa lamang bibili ng ticket.

Asahan na ngayong gabi ang buhos ng dating ng mga pasahero.

Posible naman umano na mas mababa ang bilang ng mga bibiyahe dahil sa bagyo.

Facebook Comments