Umaabot sa halos 400 na pasahero sa Manila North Port passenger terminal ang nananatiling stranded ngayong araw.
Ito’y dahil sa epekto ng Super Typhoon Egay na nararanasan sa ilang rehiyon.
Partikular sa Bicol, Eastern Visayas, Southern Tagalog, at NCR-Central Luzon Region.
Ilan sa kanila ay ilang araw ng nananatili sa nasabing terminal kung saan nagpa-abot naman ng kaukulang tulong ang Philippine Ports Authority (PPA) pero ang ilan sa kanila ay pinapauwi muna.
Ngunit, karamihan sa mga pasahero ay ayaw umalis dahil malayo pa ang kanilang pinanggalingan kung saan reklamo nila na hindi maagang nag-abiso na kanselado ang biyahe ng mga barko.
Sa ngayon, nakatutok ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagpapanatili ng seguridad sa lugar.
Facebook Comments