
Isang araw matapos ang Pasko at ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, patuloy ang pagdating ng mga pasahero sa Manila Northport Passenger Terminal.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), inaasahan nilang marami pang mga pasahero ang dadagsa sa mga susunod na araw hanggang December 30.
Samantala, sinabi naman ni PPA Assistant General Manager for operations Mark Jon Palomar na mas maraming pasahero ngayon ang inaasahan nila kumpara noong nakaraang taon.
Ayon sa PPA, mahigit tatlong milyong pasahero na ang naitala nila sa mga pantalan hanggang ngayong December 26.
Muli naman silang nagpaalala sa mga pasahero na iwasan na ang pagdadala ng mga paputok sa mga bagahe.
Facebook Comments










