Mga pasahero sa mga pantalan ngayong araw, pumalo na sa higit 100,000

Pumalo na sa 101,813 ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan sa bansa ngayong araw, ilang araw bago pagbabalik ng klase at mga pasok sa trabaho.

Sa pinakahuling datos ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot sa 56,026 ang outbound passengers at nasa 45,787 naman ang inbound passengers.

Para manatiling ligtas ang biyahe, nagtalaga ang PCG ng 3,334 na tauhan sa 15 distrito nito.


Ininspeksyon din ng Coast Guard ang 406 na barko at 1,005 na motorbanca bago bumiyahe.

Kahit tapos na ang holiday, mananatili pa rin ang heightened alert ng Coast Guard hanggang November 6, 2023 para sa inaasahang pagdagsa ng pasahero.

Facebook Comments