Manila, Philippines – Kasunod ng pagbuti ng panahon, nababawasan na ng mga pasaherong stranded sa mga pantalan matapos magbalik sa normal na operasyon ang mga byahe sa karagatan.
Base sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard, nasa 118 na lamang ang mga pasahero ngayon sa mga pantalan ng Camarines Sur (53) at Southern Quezon (65), mula sa higit 2 libong stranded passenger na naitala kahapon.
Mula naman sa higit 100 rolling cargoes at 51 na vessels na hindi pinayagang makapalaot kagabi nasa 7 rolling cargoes na lamang at 1 vessel ang nasa mga pantalan ng Camarines Sur at Southern Quezon.
Kaugnay nito, tiniyak ng Philippine Coast Guard na mananatiling nakaalerto ang kanilang hanay sa panahon at sa kondisyon ng alon sa karagatan.
Facebook Comments