Ilang araw bago ang halalan at Undas, nagsimula nang dumagsa ang mga pasahero sa ilang mga pantalan sa bansa.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson Rear Admiral Arman Balilo, tumaas na ang maritime traffic sa mga RoRo Port sa Eastern at Western seaboards.
Partikular aniya rito ang Batangas port at buong Visayas dahil tawid nito ang buong inter-island kaya inaasahan ng PCG ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero ngayong Biyernes.
Samantala, nag-inspeksyon naman ang PCG sa Manila North Port Terminal sa Maynila kaninang tanghali.
Mahigpit na sinuri ng mga otoridad, katuwang ang mga K9 dogs, ang pag mga bagahe ng pasahero.
Sa pinakahuling datos ng PCG, pumalo na sa 91,190 ang kabuuang bilang ng mga pasahero ngayong araw.
Facebook Comments