Patuloy ang pagdagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX ngayong araw bago sumapit ang nalalapit na Pasko.
Kaninang madaling araw ay marami na ang nagpupunta at masikip na rin sa bawat terminal gate para sa mga nag-aabang ng kanilang schedule.
Sa huling tala ng PITX ay aabot nga sa 33,000 ang mga pasaherong nagpupunta sa nasabing terminal.
Inaasahan naman na madagdagan ito ngayong tanghali hanggang mamayang gabi na lolobo pa ang bilang ng mga pasahero.
Inaabisuhan naman ang mga mananakay sa PITX na maghanda pagdating sa nasabing terminal at maging mahaba ang kanilang pasensya dahil karamihan ng biyahe ay fully booked na.
Facebook Comments