Mga pasaherong apektado ng flight cancellations sa iba’t ibang paliparan, nagpalipas ng gabi sa airport

Iniulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na may ilang mga pasahero sa mga paliparan sa lalawigan ang nagpalipas ng gabi sa airport dahil sa Bagyong Kristine.

Ayon sa CAAP, kabilang ang Naga Airport, Camarines Sur sa may mga stranded na pasahero.

Kabilang anila sa stranded ang 43 indibidwal, kasama na ang mga estudyante mula sa Central Bicol State University of Agriculture (CEBSUA) na nagpalipas ng magdamag sa arrival area sa ground floor ng Passenger Terminal Building (PTB).


Sa Tacloban Airport, may mga pasahero rin anilang nagpalipas ng magdamag sa paliparan at sila ay binigyan ng pagkain at pinatulog sa terminal building.

Tiniyak naman ng CAAP na tinututukan ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang paliparan ang mga stranded na pasahero.

Facebook Comments