
Nagsimula nang dumagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 Departure Area ang mga pasaherong naapektuhan ng kanselasyon ng flights dahil sa Bagyong Uwan.
Karamihan sa mga pasaherong dumadagsa ngayon ay patungo ng Caticlan-Boracay.
Ayon sa local airlines, sa katunayan ay fully-booked na ang kanilang flights para sa local at foreign tourists patungo ng Boracay.
Dagsa rin ang mga pasaherong patungo ng El Nido, Palawan, at Cagayan de Oro.
Habang matumal naman ang mga pasaherong patungo ng Cebu matapos ang sunud-sunod na kalamidad doon.
Facebook Comments









