Idinadaing ngayon ng ilang mga pasahero, maski ang mga driver ng pampasaherong sasakyan na jeep at tricycle at ang mga motorist ang kasalukuyang nararanasang mabigat na daloy na trapiko sa lungsod ng Dagupan.
Nagsimula umano ang naranasang mas mabigat na daloy ng trapiko pagkatapos mismo ng tuluyang paghupa ng halos ang isang linggong matinding pagbaha sa nasabing lungsod.
Di rin naman umano lingid sa kaalaman ng mga ito na nagsidatingan na muli ang lahat ng mga sasakyan pampubliko man o pribado, at back to business, work at school na ang karamihan kaya isa raw umano ito sa iniisip na nagiging dahilan ng sitwasyon.
Kaliwa’t kanan din ang reklamong ipinapahayag ng ilang mga taong Dagupan bound at sinasabing pagkatapos ng problemang pagbaha ay agad namang nasundan umano ng problemang sa daloy ng trapiko sa lungsod.
Samantala, sa kasalukuyan ay umiiral pa rin ngayon ang ipinatupad na one-way traffic scheme ng Public Order and Safety Office o ang POSO Dagupan dahilan upang mabigyang daan ang pagpapatuloy ng konstruksyon ng proyektong Road Elevation at drainage upgrade ng DPWH at ang mga sasakyan ay inabisuhang dumaan sa PNR Site sa mga may parutang Tambac, Salisay, Bolosan, Mangin, gayundin ang mga pa Mangaldan, San Fabian at iba pa. |ifmnews
Facebook Comments