
Nakapagtala ang New NAIA Infra Corp. (NNIC) ng 4.96 million na bilang ng mga pasaherong dumagsa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong January 2026.
Ayon sa NNIC, ito ay mas mataas kumpara sa 4.86 million na mga pasaherong dumagsa sa NAIA nitong December 2025.
Naitala rin ang 2.42 million na international passengers na dumagsa sa NAIA nitong January.
Ito ay mas mataas ng 8.16% kumpara sa nakalipas na taon.
Habang ang domestic passenger traffic ay pumalo ng 2.54 million, kung saan tumaas ito ng 3.16% .
Facebook Comments










