Siksikan na ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ilang araw bago ang Pasko.
Karamihan sa mga dumagsa ay mga pasaherong uuwi sa mga probinsya.
Sumasabay rin sa dagsa ng mga biyahero ang mga dumarating na mga Overseas Filipino Workers at mga Pinoy balikbayan na ngayon lang nakauwi matapos ang dalawang taong paghihigpit sa travel restrictions.
Ayon sa Manila International Airport Authority, mula December 1 ay umabot na sa 2.4-million ang mga pasahero sa NAIA.
Samantala, full force na ang mga tauhan ng Bureau of Immigration na kasalukuyang nagpo-proseso ng 35,000 daily arrivals at 29,000 international departure sa mga paliparan sa buong bansa.
Matatandaang pinagbawalang mag-leave sa trabaho ang mga frontline personnel ng BI ngayong holiday season.