Pumalo na sa 35,000 ang daily average ng mga pasaherong dumating sa bansa ngayong holiday season.
Habang umabot na rin sa 29,000 ang naitalang daily average ng outbound passengers sa bansa.
Ito ang iniulat ng Bureau of Immigration (BI) kasunod ng mga reklamo ng mga commuter sa mahabang pila ng immigration lines sa mga paliparan.
Ayon kay BI Deputy Spokesperson Melvin Mabulac, hindi talaga maiiwasan ang mahabang pila dahil ang holiday season ay passenger season din.
Tiniyak naman ng ahensya na ginagawa ng airport authorities ang kanilang makakaya upang matugunan ang congestion sa main gateway ng bansa.
Facebook Comments