Nanawagan ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dumadating na pasahero sa bansa na gumamit ng electronic gates (e-gates) sa mga airport terminal.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ito ay para sa mas mabilis na pagproseso mula sa karaniwang 45 segundo hanggang 8 segundo na lamang sa kada isang pasahero.
Sa pinakahuling datos ng Immigration nitong huling araw ng Oktubre ay nasa 32,045 na pasahero ang dumating pero nasa 5,210 lamang ang gumamit ng e-gates.
Samantala, sinabi ni Tansingco na plano nilang dagdagan ang bilang ng e-gates bilang bahagi ng programa nitong mag-automate.
Sa kasalukuyan, nakapagtala na ang Inmigration ng 32,352 departures hanggang nitong October 31 at inaasahan tataas pa ito ng hanggang 35,000 sa susunod na mga araw.