Umabot sa 60,000 ang bilang ng daily arrivals ngayong buwan ng Disyembre.
Sa pagtaya ng Bureau of Immigration (BI), simula noong December 1 ay umabot sa 51,390 ang arrivals o nagmula sa international flights at umabot naman sa 58,993 noong December 23.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, mas mataas sa 85% ang pasahero na gumamit ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ani Tansingco, sapat naman ang kanilang pwersa na naka-deploy sa paliparan.
Samantala, pinayuhan naman ni Tansingco ang mga Pinoy na gumamit ng E-gates para sa mabilis na immigration clearance at mag-register via e-travel portal at etravel.gov.ph.
Sa huli, pinuri ni Tansingco ang Immigration officers na naka-duty kahit pa holiday season.
Facebook Comments