Mga pasaherong mula sa Pilipinas, hindi pa rin pinapayagang pumasok sa Hong Kong

Nag-abiso ang Philippine Consulate sa Hong Kong na nananatili pa rin ang Pilipinas sa ilalim ng A1 o Extremely High Risk specified places.

Ito ay sa ilalim ng regulasyon ng Hong Kong sa Prevention and Control Diseases o Regulation of Cross-boundary Conveyances and Travellers Regulation.

Sa ilalim ng nasabing panuntunan, ang sino mang pasahero na nanatili ng mahigit dalawang oras sa A1 specified places ay hindi papayagang sumakay sa anumang flight patungong Hong Kong.


Bunga nito, hinihimok ng Konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong, ang publiko na gumawa ng kaukulang adjustment sa kanilang mga biyahe.

Facebook Comments