Asahan na ngayong araw ang uwian ng mga pasahero na magmumula sa mga probinsya kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan.
Ayon kay Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, ngayong araw ang schedule ng mga biyahero na magsisibalikan dito sa Metro dahil na rin sa muling pagbabalik sa kanilang mga trabaho maging pasok sa eskwelahan.
Sa huling datos na inilabas ng PITX kahapon, umabot sa 70,000, alas-6:00 ng hapon ang foot traffic sa terminal.
Handa naman ang nasabing terminal sa volume ng pasahero na pabalik sa Metro Manila at patuloy na nakabantay pa rin ang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang Philippine National Police (PNP) maging ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga terminal lalo na’t inaasahan ang dating ng mga pasahero ngayong araw.