Manila, Philippines – Patuloy na dumadagsa ang pasaherongnaghahabol pauwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Miyerkules Santo.
Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Officer-in-ChargeCommodore Joel Garcia, maayos pa ang pila ng mga pasahero sa mga pantalanpartikular sa huli nilang ininspeksyon na Manila North Harbor Port.
Aniya, 10-percent ang itinaas ang bilang ng mga pasaherona pumupunta roon.
Kasabay nito, mas marami naman ang bumiyaheng pasaherongayong taon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kumpara nitong 2016.
Sa tala ng Manila International Airport Authority (NAIA),tumaas ng 10-percent ang bilang ng mga pasahero dumaan sa NAIA.
Ayon kay Civil Aeronautics Board (CAB) Executive DirectorCarmelo Arcilla – umabot naman sa higit 100 reklamo mula sa mga pasahero angnaitala laban sa mga domestic airlines habang 27 sa foreign airlines.
Kaya inilunsad na nila ang CAB hotline na 165-66.
Samantala, magdaragdag ng bus ang Araneta center busterminal dahil sa patuloy na pagdating ng mga pasahero.
Sa ngayon, fully booked na ang ilang mga byahe sa mga airconditioned bus pero pwede pa ring magbakasakali ang mga pasahero.
Mga pasaherong naghahabol pauwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Miyerkules Santo, patuloy na dumadagsa
Facebook Comments