Matumal pa ang dating ng mga pasahero sa ilang terminal sa Cubao ngayong linggo.
Pa-unti unti pa rin kasi ang dating ng mga biyahero na pauwi sa kani-kanilang probinsya.
Ayon sa Pamunuan ng Terminal ng Jac liner, inaasahan nila na Martes Santo at Miyerkules Santo ang uwian ng mga bi-biyahe bunsod na rin dahil ang ilan ay may mga trabaho pa at pasok sa paaralan.
Kasunod nito, tiniyak naman nila na may sapat na bus sa mga lalawigan o probinsya na talagang nagfu-fully book na.
Sa ngayon, nakaantabay naman sila kung sakaling dumagsa ang mga pasahero mamayang gabi.
Facebook Comments