Mga pasaherong naharang dahil sa tanim-bala, papayagan pa ring makalipad ayon sa OTS

Nilinaw ng Office for Transportation Security o OTS na hindi mao-offload ang mga pasaherong nakitaan ng bala sa kanilang mga bagahe maging ito man ay biktima ng tanim bala o hindi.

Ayon kay OTS Spokesperson Kim Alyssa Marquez, sa halip ay ipatutupad na lamang ang confiscation policy na sinimulan noong Duterte administration.

Nilinaw rin ni Marquez na kapag mas marami ang nakikitang bala sa bagahe ng pasahero ay agad nila itong i-endorso sa Philippine National Police Aviation Security Group para sa kaukulang imbestigasyon.


Magugunitang nitong nakalipas na linggo , muntik nang hindi matuloy ang biyahe ng mag-asawang pasahero matapos silang makitaan daw ng isang bala sa kanilang bag habang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Itinanggi naman ng pasahero na sa kanila ang bala at nagprisinta ito ng lisensya ng kanilang baril na kaiba sa balang nakita sa kanilang bag.

Facebook Comments