Mga pasaherong naipit sa lockdown sa mga lalawigan, patuloy na dumadagsa sa NAIA

26

Patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa NAIA terminals para sa domestic flights.

Kasunod ito ng muling pagbubukas ng mga Local Government Units (LGUs) sa iba’t ibang lalawigan para sa mga umuuwing pasahero.

Partikular dito ang Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakatapos na ng kanilang 14 na araw na quarantine sa Manila.


Kabilang sa mga dumadagsang pasahero ay patungo ng Puerto Princesa, Zamboanga, General Santos City at ilan pang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Samantala, patuloy din ang pagdagsa ng OFWs sa NAIA Terminals 1, 2 at 3 patungo sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Pinoy seafarers.

Facebook Comments