
Dagsa na ang mga pasaherong nagsibalikan sa Maynila mula sa iba’t ibang lalawigan matapos ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Bahagyang nakararanas ng mabagal na usad ng trapiko sa bahagi ng A.H Lacson Avenue malapit sa kanto ng España Blvd. dahil sa pagdating ng mga bus sa kanialng terminal sa Sampaloc.
Ang nasabing bus ay nagmula pa sa Northern Luzon partikular sa Isabela, Cagayan, Apari, Tuguegarao, Ilocos at Roxas.
Karamihan sa mga bus ay mula pa kahapon hanggang gabi bumiyahe at dumating sa terminal mula pa kaninang madaling araw hanggang sa kasalukuyan.
Bunsod ng pagdagsa ng mga pabalik na pasahero, bumabagal ang usad ng trapiko dahil sa mga nag-aabang na taxi, tricycle, at mga TNVS na binook ng ilang pasahero.
Nagtutulong-tulong naman ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) Traffic Enfircement Unit at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagbabantay gayundin ang pagmamando ng trapiko sa lugar para mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mga pasahero.










