Mga pasaherong palabas at papasok ng mga airport sa bansa, obligadong mag download ng Traze App para sa contact tracing

Inoobliga na ng pamahalaan ang mga pasaherong papasok at palabas ng mga paliparan sa bansa na magdownload ng Traze App sa kanilang mobile phone bago magpunta sa airport.

Alinsunod ito sa Contact Tracing App na inilunsad ng Transportation Department at ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na gagamitin ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Ang Traze Contact Tracing App ay nadevelop ng Philippine Ports Authority (PPA) at ng Cosmotech Philippines Inc. at ito ay ipapatupad sa Ninoy Aquino International Airport Terminals, Clark International Airport, Mactan International Airport at Davao International Airport at iba pang paliparan.


Sa mga pasaherong walang mobile phone, kinakailangang magtungo sila sa Traze helpdesk sa airport para sa registration assistance para makakuha ng Quick Response (QR) code.

Kailangan din ng mga pasahero na mag-scan ng QR codes sa mga designated areas sa paliparan.

Ang Traze App ay magagamit din sa lahat ng uri ng transportasyon na layong mapalakas ang kampanya ng gobyerno na masugpo ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments