Mga pasaherong papalabas ng Metro Manila sa mga pantalan, dagsa pa rin ayon sa PCG

Patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan habang humahabol sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), umabot sa mahigit 15,000 outbound passengers ang naitala kahapon bandang alas-dose ng tanghali.

Samantala, nasa 13,931 inbound passengers naman ang naitala sa lahat ng pantalan sa buong bansa.

Nananatili sa Heightened Alert ang buong hanay ng PCG hanggang January 4 ng susunod na taon bilang paghahanda sa inaasahang pagbabalik ng mga nagbakasyon sa mga lalawigan matapos ang Christmas exodus.

Bukod dito, mula sa 16 PCG districts, nakapagsagawa ang Coast Guard ng inspeksyon sa 159 barko at 87 motorbanca upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Facebook Comments