Mga pasaherong papasok sa bansa, inirekomendang isailalim sa COVID-19 test sa ikapitong araw

77

Irerekomenda ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na maisalang sa COVID-19 test ang mga pasaherong papasok sa Pilipinas, pito o walong araw pagkadating sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa bagong ebidensya ay mataas pa rin ang virus hanggang sa ikapito o ikawalong araw.


Nais aniya nilang matiyak na matukoy ang lahat ng mga darating na pasahero para makapagsagawa ng maayos na isolation at maputol na ang hawahan.

Batay sa kasalukuyang panuntunan, ang mga pasahero ay isasalang sa COVID-19 test sa ikalimang araw pagdating ng mga ito sa bansa, maliban na lamang kung magpakita ng mga sintomas ng virus ng mas maaga.

Facebook Comments