Mga pasaherong patungo sa mga lalawigan, patuloy sa pagdagsa sa NAIA

Ilang araw bago ang Undas, lalo pang dumadagsa ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Partikular na dumadagsa ang mga pasahero patungo ng Caticlan-Boracay, Cebu at Bohol.

Ayon sa ilang pasahero, sinamantala rin nila ang promo sa airfare ng ilang local air carrier tulad ng AirAsia at Cebu Pacific.


Ilan din sa mga dumagsa sa airport ang mga pasaherong ngayon pa lamang makakabalik ng Cebu matapos na makansela ang flights doon dahil sa pag-overshoot ng eroplano ng Korean Air sa Mactan-Cebu International Airport.

Muli namang nagpaalala sa mga pasahero ang Manila International Airport Authority (MIAA) na agahan ang pagtungo sa NAIA lalo nat tumitindi ang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Bukas, araw ng Biyernes at sa Sabado, inaasahang lalo pang dadagsa ang mga pasahero na patungo sa mga lalawigan.

Facebook Comments