Mga pasaherong pauwi sa mga lalawigan ngayong Undas, dagsa na sa PITX

Nagsimula nang dumagsa sa ParaƱaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang mga pasaherong patungo sa mga karatig na lalawigan.

Kaugnay nito ang long weekend kasabay ng pag-obserba ng Undas kung saan isasara rin ang mga sementeryo sa Metro Manila at ilang lugar.

Kaugnay nito, binisita ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang PITX para silipin ang kaligtasan ng mga pasaherong pauwi sa kani-kanilang probinsya.


Tiniyak naman ng pamunuan ng PITX na may sapat silang tauhan na mangangasiwa sa pag-maintain ng health protocols at social distancing sa mga pasaherong dadagsa sa terminal.

Una nang pinaalalahanan ng MMDA ang publiko na hanggaā€™t bukas pa ang mga sementeryo ay maaari pa silang magtungo para maglinis ng mga puntod.

Facebook Comments