Nagsimula nang dumagsa ang mga pasahero sa Araneta Center Bus Terminal sa Cubao, Quezon City.
Ayon kay Araneta Center Bus Terminal Manager Ramon Legazpi, inaasahang papalo lamang ng apat na libong pasahero ang kanilang maseserbisyuhan kada araw.
10 kilo lamang ang limit ng bagahe ng mga pasahero, habang magbabayad na ang mga sosobra o magkakaroon ng excess baggage.
Paalala ni MMDA Spokesperson, Asec. Celine Pialago, ang pag-inom ng alak bago bumiyahe ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga driver.
Sinabi naman ni LTFRB Chairperson Martin Delgra III, inaprubahan nila ang halos 900 Special Permits ng mga bus.
Ipinaalala rin niya sa mga driver ang mga polisiya upang masigurong ligtas ang kanilang mga pasahero.
Sa ngayon, may mga mabibili pang ticket sa ordinary bus pero fully booked na para sa mga air-conditioned bus na biyaheng Bicol at Visayas.