Humabol pa ang ilang pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 ngayong Martes para makauwi sa mga lalawigan.
Bunga nito, mahaba pa rin ang pila sa check-in counters para sa domestic flights.
Samantala, sa NAIA 1 ay hindi na gaanong marami ang mga pasahero kung ikukumpara noong Biyernes at Sabado bago ang long holiday.
Maging sa arrival lobby ng NAIA 1 ay hindi na rin ganun karami ang mga pasahero.
Noong Sabado, December 23 ay umabot sa mahigit 145,000 ang mga pasahero na dumagsa sa NAIA terminals patungo sa mga lalawigan.
Ito ang pinakamaraming naitalang passenger volume sa NAIA ngayong buwan.
Mas mataas ito ng halos 11% kumpara sa parehong petsa noong 2022 na nasa 130,000 passengers.
Facebook Comments