Dagsa na ang mga pasaherong pauwi ng probinsya na gustong magdiwang ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Sa terminal ng bus sa 5-Star Bus terminal sa bahagi ng Edsa Cubao, mula kaninang ala-6:00 ng umaga ay umabot na sa 4,365 na ang pasaherong bumiyahe patungong Nueva Ecija, Batangas at Tuguegarao, Cagayan.
Mabilis naman ang turnaround time ng mga bumibiyaheng bus mula kaninang umaga.
As of 1pm, nasa 97 na unit ng bus ang naka-biyahe.
Mahaba na rin ang pila ng pasahero sa Jac Liner na biyaheng Quezon Province.
Gayundin na dumarami na ang mga pasahero sa Baliwag Bus terminal na biyaheng Bulacan.
Facebook Comments