Mga pasaherong stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa, mahigit 4,000 na

Umabot na sa 4,551 na pasahero, drivers, at cargo helpers ang naitalang stranded sa Bicol Region, Southern Tagalog, at Eastern Visayas dahil sa Bagyong Paeng.

Stranded din ang nasa 978 na rolling cargoes; 29 vessels; at anim na motorbancas.

Bukod dito, 73 vessels at 45 motorbancas din ang pansamantalang sumisilong sa mga pantalan sa nasabing mga rehiyon.


Pinakamaraming stranded na pasahero ay sa Bicol Region na nasa 2,463; Eastern Visayas na nasa 1402; at 686 mula sa Southern Tagalog.

Samantala, nadagdagan pa ang mga kanseladong biyahe sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) papunta sa iba’t ibang lalawigan dahil sa masamang panahon.

Ayon kay PITX Spokesperson Jason Salvador, kabilang sa mga kanseladong biyahe ay patungong Iloilo, Leyte, Ormoc, Davao, Roxas, Oriental Mindoro, at Catanduanes.

Posible pa aniya itong madagdagan, depende sa magiging lagay ng panahon.

Facebook Comments