Mga pasaherong stranded sa mga pantalan dahil sa Bagyong Kristine mahigit 3,000 na –PPA

Mahigit tatlong libong mga pasahero na ang stranded sa mga pantalan sa bansa dulot ng Bagyong Kristine.

Sa ulat ng Philippine Ports Authority (PPA), may kabuuang 3,217 ang bilang ng mga pasaherong hindi muna makabibiyahe ngayon at nananatili sa mga pantalan dahil sa masamang panahon.

Batay sa Port Management Offices, nasa 134 ang bilang ng stranded sa Marinduque at Quezon; 1,194 sa Bicol, 6 sa Masbate, 69 sa Western Leyte/Biliran; 1,734 sa Eastern Leyte/Samar, at 80 sa Surigao.


Hanggang kaninang alas-dose ng tanghali naman, kanselado ang lahat ng mga biyahe sa mga Port Management Office ng Batangas, Mindoro, Bicol, Masbate, Marinduque/Quezon.

Apektado rin ang ilang biyahe sa Bohol, Panay/Guimaras, Eastern Leyte/Samar, Western Leyte/Biliran, Negros Oriental/ Siquijor, Bacolod, Surigao, Misamis Oriental, Cagayan de Oro, at Davao.

Facebook Comments