Monday, February 2, 2026

Mga pasaherong stranded sa mga pantalan, nadagdagan pa; ilang pamilya sa Cagayan at Ilocos Sur, inilikas ng PCG dahil sa Bagyong Nando

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pasaherong stranded ngayon sa mga pantalan dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Nando.

Sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), siyam na pantalan ang apektado ngayon sa Southern Tagalog at Northeastern Luzon.

77 pasahero rito ang stranded, habang 21 na barko at 11 motorbanca ang nakasilong dahil sa sama ng panahon.

Muli ring nagpaalala Coast Guard sa lahat ng mga biyahero at mangingisda na iwasan munang pumalaot hanggang hindi pa ligtas ang panahon.

Samantala, dahil sa pananalasa ng bagyo, nasa 8 indibidwal kabilang na ang anim na bata ang nasagip ng PCG sa Barangay Rapuli, Sta. Ana, Cagayan matapos ang isinagawang house-to-house inspection.

Nasa 28 pamilya o 68 indibidwal naman ang inilikas sa Tagudin, Ilocos Sur habang 80 indibidwal ang in-evacuate sa Bayan ng Sta. Catalina sa kaparehong lalawigan.

Facebook Comments