Mga pasaherong tutungo ng Davao, inalerto sa harap ng tensyon doon

Inalerto ng Philippine Airlines ang kanilang mga pasaherong bibiyahe patungo at mula sa Davao.

Sa harap ito ng traffic congestion na nararanasan ngayon sa Davao bunga ng checkpoints at pagsasara ng ilang kalsada dahil sa tensyon doon.

May kaugnayan ito sa pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Pastor Apollo Quiboloy.


Pinapayuhan din ng PAL ang kanilang mga pasahero na i-check muna ang status ng kanilang flight bago magtungo ng airport.

Nakatutok din ang airline sa sitwasyon sa Davao International Airport.

Kinumpirma naman ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na bahagya nang binuksan ang exit gate ng naturang paliparan matapos na alisin na ang mga barikada.

Bahagya rin anilang humupa ang tensyon bagamat patuloy silang nakaalerto.

Facebook Comments