Mga pasaherong tutungo sa NAIA, pinayuhan na umalis ng mas maaga sa kanilang mga tahanan

Manila, Philippines – Pinapayuhan ng Philippine Airlines ang mga pasahero nitong tutungo sa NAIA na umalis ng mas maaga sa kanilang mga tahanan.

Ito ay para matiyak na hindi sila mahuhuli sa kanilang flights ngayong may mga pagbaha dulot ng masamang panahon.

Nilinaw naman ng PAL na wala silang mga kanseladong flights bagama’t patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan sa Luzon.


Pinapayuhan naman ng flag carrier ang mga pasaherong may katanungan na bisitahin lamang ang kanilang website na www.philippineairlines.com.

Facebook Comments