Mga pasaherong umuwi ng probinsya noong Pasko at Bagong Taon, inaasahang balik Metro Manila na simula ngayong hapon

Nag-uumpisa nang magsibalikan ang mga umuwi ng probinsya noong Disyembre para doon ipagdiwang ang holiday season.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), hanggang ngayong tanghali ay nasa 36,094 ang outbound passengers at 29,325 na inbound passengers ang naitala sa lahat ng pantalan nationwide.

Nasa 255 na barko at 699 na motorbanca naman ang ininspeksiyon ng 3,000 frontline personnel ng PCG mula sa 16 na distrito.


Inaasahang madaragdagan pa ang mga maitatalang pasahero maghapon lalo na’t asahan ang pagbabalik ng mga ito ngayong tapos na ang bakasyon.

Mananatiling naka-heightened alert ang Coast Guard sa kanilang mga district, stations at sub-stations hanggang sa Biyernes, January 03.

Facebook Comments