Mga pasaring ni Pangulong Duterte, idinaan na lamang sa ngiti at mga larawan ng mga natanggap na recognition ni Manila Mayor Isko Moreno

Ibinahagi ni Mayor Isko Moreno, ang ilang larawan ng mga certification at plake na natanggap ng lokal na pamahalaan mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang mga natanggap na certification at plake ng lokal na pamahalaan ng Maynila ay sanhi ng maayos na pamamahagi ng ayuda sa kasagsagan ng lockdown.

Matapos na hingan ng reaksyon sa naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa isang Local Government Unit (LGU) na hindi maaring payagan na manguna sa pamamahagi ng cash assistance sa kadahilanang hindi ito organisado.


Bukod dito, “no comment” din si Moreno sa mga tanong hinggil kung ang tanging smiley emoji na lamang ang ipinost nito sa viber group ng Manila beat reporters.

Inihayag ni Moreno na plano nilang simulan agad ang pamamahagi ng ayuda kapag natanggap na ang pondo kasabay na rin ng iba pang ayuda tulad ng gatas para sa mga senior citizen.

Facebook Comments