Manila, Philippines – Nabulabog ang mga pasaway na taxi driver sa airport matapos magsagawa ang mga tauhan ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) ng surprise inspection.
Ayon sa LTFRB, ang hakbang ay kasunod ng reklamong natatanggap ng ahensya mula sa mga pasahero na kabilang sa biktima ng mga pasaway na taxi driver.
Ayon sa mga tauhan ng ahensya, apat na tsuper ang kanilang naaktuhan nangongontrata, matapos silang magpanggap na pasahero.
Ayon kay LTFRB spokesperson Atty. Aileen Lizada, dapat magbago na ang mga pasaway na taxi driver na nangongontra at huwag ng hintayin pa na matanggalan ang mga ito ng lisenya.
Kasunod ang apela sa mga mananakay ng taxi na magreklamo sa LTFRB kapag nakatapat ang mga ito ng mga nangongontratang taxi driver.