Mga pasaway na mga motorista sa Cotabato City binalaan ni Mayor Guiani

43

Binalaan ngayon ni City Mayor Cynthia Guiani Sayadi ang mga motorista na makiisa sa kanilang kampanya kasabay ng pagpapatupad ng City Government at PNP ng ABSOLUTE NO PARKING Policy sa Sinsuat at Quezon Avenue.
Iimplementa ang batas trapiko simula alas sais ng umaga sa araw ng LUNES August 5, 2019 ayon pa kay Mayor Guiani sa panayam ng DXMY
Layun nito ay upang maging maayos ang daloy ng trapiko sa pangunahing lansangan ng syudad.
Mula LUNES hanggang LINGGO, 6am-6pm ang implementation nito giit ni Mayor Guiani. Mula Brgy. Balabaran hanggang Raja Tabunaway.
Kaugnay nito umaasa ang Alkalde na susunod ang mga tsuper sa kanilang kampanya.
Wala rin aniyang EXEMPTED sa polisiyang ito.
Maari aniyang mabigyan ng multa ang mga lalabag na mga motorista habang nakahanda na rin ang mga Towing Truck at Clamp Truck ng LGU.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments