Mga pasaway na Rice Traders, isinisisi ng Dept. of Finance dahil sa agwat ng Retail at Farmgate Price ng Bigas

Isinisisi ng Dept. of Finance ang mga Rice Trader na pilit na itinatago ang stock ng kanilang Imported Rice sa mga warehouse.

Nagreresulta ito ng agwat sa pagitan ng Farmgate at Retail Prices ng Regular Milled Rice sa ilang Rehiyon.

Ayon kay Finance Spokesperson Antonio Lambino II, nakakatanggap sila ng ulat na nagrereserba ang mga trader ng espasyo sa kanilang Warehouse na wala namang iniimbak na bigas.


Ito aniya ang dahilan para mapilitan ang mga magsasaka na ibenta sa mababang halaga ang kanilang ani.

Ang average na 8 Pesos kada Kilo na bagsak sa presyo ng bigas ay makakatulong sa Low-Income Households.

Facebook Comments