Hindi umano maitatanggi na kulangan pa rin ng mga pasilidad sa pampublikong paaralan gaya na lamang ng classrooms, laboratory, at textbooks na hindi pa rin kumpleto na siyang dapat unang nagagamit ng mga estudyante at guro.
Ayon sa pahayag ni Alliance of Concerned Teachers Rep. France Castro sa panayam sa kanya ng iFM News Dagupan, supposedly ay may mga modules at laptop na dapat ang mga teachers na siyang provided dapat ng gobyerno para magamit at madaling makapag-access ang mga ito sa ilan pang pag-aaral na makatutulong sa pag-angat ng antas ng pag-aaral sa mga public schools.
Kasalakuyan pa umanong kinokumpleto ng Department of Education ang mga kulang na pasilidad at kagamitan lalo pa at kinokonsidera na umano na magkakaroon ng roll-out o launching ng calibrated k-to-10 program.
Kaya naman kailangan na umanong ihanda ng DepEd ang mga textbooks, modules at iba pang learning materials para masabing sila ay talagang handa lalo at sila ay magro-roll out o magla-launch ng calibrated na k-to-10 program. |ifmnews
Facebook Comments