Halos puno na ang mga pasilidad na itinalaga ng Philippine Army para sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs).
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Ramon Zagala, ang Philippine Army Gym at ang Libingan ng mga Bayani ay mga itinalagang pasilidad para mga LSIs.
Ilan sa mga LSIs ay mga construction worker at iba pang manggagawa na may biyahe abroad pero naantala dahil sa ipinatupad na lockdown sa Metro Manila.
Sinabi ni Zagala, bagama’t karamihan sa LSIs ay napauwi na sa kanilang mga probinsya, marami pa ring LSIs ang dumarating sa kanilang pasilidad at humihingi ng tulong.
Nagbabala si Zagala na ang patuloy na pagdagsa ng LSIs ay maaaring magdulot ng problema sa pagpapatupad ng social distancing sa loob ng mga pasilidad.
Gayumpaman, tiniyak ng Philippine Army sa publiko na ang mga pauuwiing LSIs sa mga probinsya ay negatibo sa test para sa COVID-19.