Mga pasilidad para sa disaster response, pinahusay pa – DOST

Pinahusay pa ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga pasilidad nito para sa early warning at monitoring ng mga kalamidad tulad ng bagyo at lindol.

Ayon kay Science Secretary Fortunato Dela Peña, nagdagdag pa sila ng equipment at nagtayo ng karagdagang pasilidad.

Kabilang aniya ang pagkakabit ng karagdagang Doppler Radars para sa tropical cyclone at rain monitoring.


Mayroon ding Doppler Radars para sa monitoring ng mga alon.

Pinalakas din aniya ang flood forecasting at warning systems.

Ang mga researchers mula sa state weather bureau na PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) ay mayroong bagong paraan para ma-predict nang maaga ang isang namumuong bagyo.

Ipinagmalaki rin ni Dela Peña ang pagbuo ng GeoRiskPH application na ginagamit para sa assessment ng disaster risks at detection ng natural hazards.

Mula sa 28 nitong 2017, ang Pilipinas ay mayroong 104 seismic stations na kayang mag-detect kahit maliliit na lindol o umaabot sa Magnitude 3.

Facebook Comments