Sinisiguro ng Philippine Ports Authority (PPA) na walang magiging problema ang mga pasilidad sa passenger terminal building (PTB) ng Port of Batangas na pangalawa sa mga pantalan na may pinakamaraming bilang ng pasahero tuwing holiday.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, walang magiging problema sa mga pasilidad gaya ng mga restroom, food stalls, ticketing booths, at baggage security scanner.
Nais na matiyak ng opisyal na walang makakalusot na mga ipinagbabawal na gamit o produkto sa mga pantalan.
Bukod dito, prayoridad rin ng PPA ang kalinisan upang mabigyan ng maginhawa at maayos na biyahe ang mga uuwi at magbabakasyon sa kani-kanilang mga probinsya.
Tiniyak din ni Santiago na walang surot ang mga upuan ng mga pasahero na naghihintay ng kanilang biyahe, at malamig ang temperatura sa pasilidad.
Pinasisiguro rin ng PPA sa mga may-ari ng food stalls na ang mga ibinebentang pagkain sa ay malinis at walang problema upang maiwasan ang kalat at anumang uri ng sakit.
Kaignay nito, nakakumpiska ang mga security personnel sa Batangas Port ng mgs lighter, butane, balisong, kutsilyo at itak o gulok sa mga pasahero na mahigpit na ipinagbanawal ng PPA sa pagpasok sa mga pantalan.