Naghandog ng tig-isang kambing ang Department of Agriculture (DA) sa apat na pastol ng kambing na nawalan ng alaga matapos ang nagdaang bagyo.
Ayon sa lokal na pamahalaan, nagkakahalaga ang mga upgraded breed ng kambing ng PHP 12,000 hanggang PHP 15,000 bawat isa.
Tumanggap ng ayuda ang apat na benepisyaryo mula sa mga barangay ng Salaan, Lanas, Salay, ay Gueguesangen para sa pagpapatuloy ng kanilang kabuhayan.
Ayon sa Pamahalaang Lokal ng Mangaldan, ipagpapatuloy ang pakikipag-ugnayan sa DA at iba pang ahensya upang makapaghatid ng mas marami pang tulong sa mga magsasaka at pastol sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









