Mga Pasyalan sa Nagtipunan, Quirino, Sarado pa sa mga Turista

Cauayan City, Isabela- Nananatiling sarado sa mga turista ang mga tourist sites sa bayan ng Nagtipunan habang sumasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Lalawigan ng Quirino.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Nieverose Meneses, kanyang sinabi na habang ipinagbabawal muna ang pagtanggap ng mga bisita o turista, tuloy-tuloy lamang aniya ang kanilang pagpapaganda sa mga pasyalan upang hindi masayang ang mga lumilipas na araw.

Ibinahagi rin ng alkalde na sa kasalukuyan, mayroon pang natitirang labing anim (16) na aktibong kaso ng COVID-19 sa kanyang bayan mula sa naitalang total confirmed cases na 148.


Ang 141 aniya rito ay gumaling na sa COVID-19.

Patuloy din aniya ang pamamahagi ng LGU ng ayuda sa mga residenteng naapektuhan ng MECQ.

Liban dito, mayroon na rin natanggap na bakuna ang bayan ng Nagtipunan na kung saan nauna nang nabakunahan ang mga frontliners gaya ng mga healthworkers at nakasalang na aniya ngayon ang mga senior citizens.

Mensahe nito sa kanyang mga kababayan na patuloy lamang na sumunod sa mga ipinatutupad na health and safety protocols upang maiwasang mahawa o makahawa sa iba.

Facebook Comments