Dinagsa ng mga turista ang ilan sa mga kilalang beach at pasyalan sa Pangasinan nitong nagdaang Semana Santa 2026, ayon sa ulat ng mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMO).
Ayon sa monitoring, mataas ang bilang ng mga bisita sa Dasol Tambobong Beach na umabot sa 60% ng kapasidad, habang 40% naman sa Hundred Islands sa Alaminos at Bagbag Beach sa Sual.
Upang matiyak ang kaligtasan ng mga bumisita, nakaantabay ang iba’t ibang rescue teams mula sa mga Municipal DRRMO, kasama ang dagdag pwersa mula sa pulisya, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, at iba pang ahensya.
Samantala dahil naman sa dami ng turista, pansamantalang isinara ang Maples River noong Sabado, Abril 4, 2026, matapos maabot ang maximum capacity nito.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng hakbang na ito na maiwasan ang sobrang dami ng tao at mapanatili ang kaligtasan ng mga bisita.
Patuloy na minomonitor ng mga lokal na pamahalaan ang daloy ng mga turista sa mga beach at pasyalan, habang hinihikayat ang publiko na sumunod sa mga health at safety protocols. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
